Diyos Ang Pag ibig
(Purihin ang Panginoon!)
Sa Diyos nagbuhat ang pag ibig
Banal at laang magtiis
Sa buhay kung mayroong ligalig
Sana sa Kanya'y ilapit
Tumawag ka at ika'y bubuksan
Humingi ka at ika'y bibigyan
Tayo'y laging dumalangin
Upang grasya Niya'y kam'tin
Patnubay Niya ay ating hilingin
Ngayon, magpahanggang libing
Tayo'y laging dumalangin
Upang grasya Niya'y kam'tin
Patnubay Niya ay ating hilingin
Ngayon, magpahanggang libing
Ngayon, magpahanggang libing