Panyolito by Roel Cortez
Panyolito..
Panyolito ito'y aking iaabot sa'yo
Giliw ko tanggapin mo
itong aking panyolito
Ito'y palatandaan ng pag ibig ko sa'yo
At kung sakali man tayo ay di na magkita
Itago mo ang panyolito
na sa iyo'y alaala
Ako ay pupunta doon sa malayong lugar
Aking hahanapin ang magandang kapalaran
Malulungkot ka man at
luha'y di mapigilan
Pahirin mo nang panyolitong aking iniwan
Panyolito, panyolito
ito'y munting alaala ko sa'yo
Panyolito, panyolito
ang siyang ipahid sa mga luha mo
Ayaw ko sanang mapalayo sa piling mo
Ngunit sadyang mahirap
ang buhay natin dito
Tayo'y maglalayo ngunit ating ipangako
Pag ibig natin ay hindi magbabago
Panyolito, panyolito
ito'y munting alala ko sa'yo
Panyolito, panyolito
ang siyang ipahid sa mga luha mo
Giliw ko tanggapin mo
itong aking panyolito
Ito'y palatandaan ng pag ibig ko sa'yo
At kung sakali man tayo ay di na magkita
Itago mo ang panyolito
na sa iyo'y alaala
Itago mo ang panyolito
na sa iyo'y alaala
(Panyolito, panyolito
sana ay iingatan mo)
skidrow19
April 9 2018