menu-iconlogo
logo

Dati

logo
Тексты
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

Naaalala ko pa noon nag aagawan ng Nintendo

Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento

Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi

Maglalaro ng tao taong piso pisong nabili

Umaawit ng theme song na sabay kinabisa

Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami na'ng nabago't nangyari

Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng

da ra ra rat da dati

Na gaya pa rin ng

Dati rati ay palaging sabay na mag siesta

At sabay ring gigising alas kwatro 'y medya

Oh, sabay manonood ng paboritong programa

Oh kay tamis namang mabalikan ang alaala

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami na'ng nabago't nangyari

Ngunit 'di pagtingin na gaya pa rin ng

Dati rati ay naglalaro pa ng bahay bahayan

Gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan

At pawang magkakalaban pag nagtataya tayaan

Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal kasalan

Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina

Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina

Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala

Lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama at

Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama

Sabay tayong umiiyak kapag inaapi si Sarah

Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga

Sana mabalik pa ang dati nating pagsasama

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari

Ang aking pagtingin

Ohh, bulong na lang sa hangin

Pangarap na lang din

Na gaya pa rin ng

da ra ra rat da dati

Na gaya pa rin

da ra ra rat da dati

Na gaya pa rin ng

ng dati

Dati от Sam Concepcion - Тексты & Каверы