menu-iconlogo
logo

Pati Pato

logo
Тексты
BANANAKREW🍌

3

2

1

Tayong lahat ay may yaman na taglay

Dapat mapantay kahit na sumablay

Di puwedeng matamlay kahit naka saklay

Matutong mag antay sa mga sinampay

Buhat ng kausapin ko ang aking pangarap

Kahit mag tago ka ng mabuti’y aking mahahanap

Tinig ng batang probinsyano ay mapalaganap

Di ko man inakala na kahit na sa hinagap

Ay mapapakinggan kahit na minsan

Pag kakataon na ayaw kang bigyan

Ng pang lamang tiyan ulam sa pinggan

May humatak man sa likod harap ang tingnan

Pero huwag kalimutang mag pasalamat sayong mga nakatuwang

Kahit na makalamang

Hindi mo kailangan pa na mag mayabang

Kape man ay matabang

Bakit hindi na mainit inumin mo lang

Bituwin sa langit na hindi mo pa bilang

Mga panaginip sige tuparin mo lang

Pati pato!

Tara sa panibagong kanta at makisalo

Panalo at lalong malasa pag hinalo

Ang mga barang patok at pamihadong

Uulit ulit ulitin upang makabisado

Ang mga salita mo laging asintado

Dito sa laro hindi man laging sigurado

Dapat itaya mo kahit pa dehado

Todo mo na ang iyong panabla pati pato

Nag simula kami wala akong pera

Baon kami sa utang kahit na atenista

Wala akong talento hindi rin ako guwapo

Pero t*****a nila di ako nag patalo

Bakit ko papansinin kung san sila lamang

Tututukan ko nalang kung san ko kayang galingan

Hindi patas ang laban pero sandali lang

Wala namang nag sabi na pantay pantay ang ating dadaanan

Iba't ibang hagdanan

Ang importante ay tuloy tuloy ang pag hakbang

Basagin natin ang hadlang huwag mong gamiting dahilan

Kapag merong gusto palaging merong paraan

Tandaan mo lang kailangan nating

Galingan pag meron kang pangarap

Huwag na huwag mong papakawalan

Lalo na kung meron kang kakaibang aabutin

Dapat handa kang pag hirapan

Ano man ang harapin Chong!

Tara sa panibagong kanta at makisalo

Panalo at lalong malasa pag hinalo

Ang mga barang patok at pamihadong

Uulit ulit ulitin upang makabisado

Ang mga salita mo laging asintado

Dito sa laro hindi man laging sigurado

Dapat itaya mo kahit pa dehado

Todo mo na ang iyong panabla pati pato

Tinapat ang salamin tinanong kung para saan ka pa ba nandyan?

Dumaan sa ganito't, ganyang hadlang hanggang makaramda

Ng pagod mabigo tumino saktan, na nagtulak sakin alamin

Ang kaya pa marating ng sulatan at kada hinaing

Lalong gumaling nung kala mo napuruhan sa

Murang gulang di masukat ang kamalayang sungay

Papanuwag sa di makataong mundo nakaka umay na

Lumipad habang may buhay gamit husay sama na gulay uh!

Tsob, tsa, tagilid!

Akin, aa pamatong utak damdamin

San man dalhin ng maduming hangin

May baong bara't dasalin'g

Panawid sa madugo niyo'ng pain

Ang panahon'g to sakin amin kabig

Pati pato halata na di malabo para linawin

Natural ng may doble kara

Anumang mundo ang lakaran

Buti nalang ay sanay ako

Sa gubat ahas kalat lamang

Limitasyon na walang hangganan

Ang dala hanggang sa dulo

Sige matawa habang may ulo

Ka pa sa mata ko, tara!

Tara sa panibagong kanta at makisalo

Panalo at lalong malasa pag hinalo

Ang mga barang patok at pamihadong

Uulit ulit ulitin upang makabisado

Ang mga salita mo laging asintado

Dito sa laro hindi man laging sigurado

Dapat itaya mo kahit pa dehado

Todo mo na ang iyong panabla pati pato

BK🍌 uploads

Pati Pato от Shanti Dope/Chito Miranda/Gloc 9 - Тексты & Каверы