menu-iconlogo
logo

1nthrow

logo
Тексты

Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo

Dalada na sibat ay tulang magarbo

Pinahatid ang mga malalang regalo ko

Sa utak alimango, maluwang na karo

Gitgitan na kami ng aliwin

Ng mga pangarap na hindi kaya bilhin

Marami man ang pumapantasya

Bilang lang sa daliri ang pwede tumikim

Mundong inakala kong laro lang

Nasimulan na maging kilala ko na

Pagkatapos sawayin ng mga karanasan

Na dala ko piring sa mata

Kinagatan ang trip ng karamihan

Kahit na hindi madaling nguyain sa panga

Baka naman ay magyapak ka nalang

Pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa

Katawa-tawa na isipin

Ngayon pa ko nadala sa pagiging patapon

Na malala sa alipin, ang mahalaga nabawi rin

May napapala kada gising ko

Sa kama kahit na gipit ako

Na dumilat ay todo kayod kalabaw

Kahit na walang sahod sa lamesa

Walang karapatan na mapagod

Kung 'di na kaya ibigay ni Itay

Ang mga hiling sa dumaan na kometa

Panahon na para ilabas ang mga kaalaman

Na itinabi ko sa bodega

Ang usapan ba dito karera?

Dala ko'y tangke na de kalesa

Bumbilya ko'y alam ko na paganahin

Ayoko na magtiyaga pa sa gasera

Ang haring araw ay nakauwi na

Ano kayang ipapakita ko

Na mukha sa buwan

Nakangiwi ba o nakangiti na

Parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina

Pagkadoble-cara, pangkaraniwan

Sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian

Sumabay sa alon o magpakasalbabida, ah

Habang sila tanging hangarin

'Di na gumamit pa ng pambura

Akin ay pa'no pa ba ko

Sa sariling baho ko mapasuka

Sa dami ng palabukang bibig

'Di ko maiwasan na mapamura ako

Laban sa mga tengang

Panalang latak lamang ang napuna

Kaya kung bakit ba 'ko nandito?

Karaniwan na tanong ng ilan

Kahit na sa pagkabalagong nalibang

Niluwal ako para sa matinong dahilan

Kahit patapon sa ilan

Pagkakataong hiniram, nagkaron parin ng dahilan

Para umasa na dumating

Ang panahon ng napakalagong anihan

Pinili ang mga dapat kalabanin

Pero 'di kung sino ba papalagan

Bago pa gawin na katawa-tawa

Pagkatao na 'di nila tipo makita, pinakawalan

Mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida

Gaganapan, sariwang era ko'y abangan

Peke ang mundo na iyong ginagalawan

Kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran

1nthrow от Shanti Dope - Тексты & Каверы