menu-iconlogo
logo

Kamusta

logo
Тексты
Yo yo yo yo young God

Hello

Kamusta ka

Sana ayos lang

Lagi lang akong nand'yan

Kaso lang ang damot ng bibig

Para sa'n pa

Kung handa 'kong makinig

'Pag gipit kung sa sarili mo

Masyado kang bilib

Mahihirapan ka lang

Nang mahihirapan

Kung ipipilit mong

Wala kang kahinaan

Kadalasan alak pa

Ang mas pinipili mong sandalan

'Di ka masaya

Nanghihiram ka lang ng tapang

Dama ko na may kinikimkim

Na hirap ka na rin tiisin

Kaso nasanay kang

Pinapakita na lahat

Ay kaya mo ring panisin

'Di ka takot matulungan

Kung tutuusin

Takot ka lang na tuksuhin

Kaya 'di masagot kada tatanungin

Kung mayro'n bang nakakubli

Sa likod ng 'yong ngiti

At kutitap ng iyong mga mata

Mabigat ba sa dibdib

'Pag laging pinipigilang

Sabihin ang iyong nadarama

'Di mo gustong

Malaman ng mundo

Ang kahinaan mo

Kung wala kang malapitan

Pupwede mo akong sabihan

Pero para makuha

'Yung sa 'kin

Mabuhay ang dami nang

Kasalanang nagawa

Hindi ko na nga

Mapagkatiwalaan sarili

Pa'nong ikaw pa kaya

Hindi madama

'Yung lungkot o saya

Nagtataka lang

Bakit may hininga pa 'ko

Baka gumaan pa bigat ng dala

'Pag wala

Tulad ng kung ano'ng bago

Habang 'yung katinuan

Nakakadena sa alak

Usok at tableta

Sa napalang mapait

Tatakasan saglit pagbalik

Gano'n pa din eksena huh

Kulong sa sistema

Parang malaya sa laki ng selda

Kulang na nga lang

Ipako sa krus

Sa dami ng hudas

Para sa pera

Katulad nilang

Gusto pa 'ko masira

Kahinaan 'di ko maipakita

Layo ng gusto ko pa marating

Na naliligaw din

'Pag walang gasolina

Kanina ay nasa dulo ng bangin

Lason sa hangin sarap damahin

May lubid sa puno

Sinabit daliri ko

Sa 'king baril bago kalabitin

Sa likod ng 'yong ngiti

At kutitap ng iyong mga mata

Mabigat ba sa dibdib

'Pag laging pinipigilang

Sabihin ang iyong nadarama

'Di mo gustong

Malaman ng mundo

Ang kahinaan mo

Kung wala kang malapitan

Pupwede mo akong sabihan

Buhay n'ya na hiniram

Ay kinuha pa n'ya

Nang hindi nagpaalam

Sa mga kaibigang nakatawanan

Sa dami ng

'Di n'ya gustong naranasan

Sa mga huling hininga

N'ya na lang inasahan

Mahanap ang kapayapaan

Hirap manalo

'Pag nasa loob ng isipan

Ang pinakanaging kalaban

Uh

Mayro'n bang dapat sisihin

Paligid sarili mundong magulo

Hindi ko alam

Kung kanino ba dapat ituro

'Yung dulo ng hintuturo

Alam mong

Hindi ka makakalimutan

Hinaharap nagawang talikuran

Kinakausap ka

Habang nasa likod ng salaming

May saradong pintuan

Malapit ka nang bumigay

Dama ko

'Wag ka magmadaling maabo

Magkakaasawa ka pa

At magkakaanak ka pa

Hanggang sa magkaapo

Kapag ganitong ganito

'Yung wala ka

Abot na abot ko

Kung ba't ka lito

Tadhana ang palabiro

Pagsubok ang pampatino

Buhay parang biyahe

Maraming hadlang

Ikaw na bahala

Kung pa'no mo sasakyan

Natural lamang na mabigatan

Kaya hanapin ang pampagaan

'Yan ang paraan kasama 'yan

'Wag mag alala

Kung mayro'n bang nakakubli

Sa likod ng 'yong ngiti

At kutitap ng iyong mga mata

Mabigat ba sa dibdib

'Pag laging pinipigilang

Sabihin ang iyong nadarama

'Di mo gustong

Malaman ng mundo

Ang kahinaan mo

Kung wala kang malapitan

Pupwede mo akong sabihan

Mayro'n bang nakakubli

Sa likod ng 'yong ngiti

At kutitap ng iyong mga mata

Mabigat ba sa dibdib

'Pag laging pinipigilang

Sabihin ang iyong nadarama

'Di mo gustong

Malaman ng mundo

Ang kahinaan mo

Kung wala kang malapitan

Pupwede mo akong sabihan

Oooohh ooohh

Kamusta от Shanti Dope - Тексты & Каверы