Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan
na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang
damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal
dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng
kahit na ano mang materyal
Dati nasa panaginip lang ang binibini na
Naging rason ng kada gising ko sa umaga
Kung magmahal kakalangita'y
nagiging kama
Parang gabi gabi kung
makasiping ko si darna
Pag ika'y kayakap mas
lalo kong nalalaman
Ang ibig sabihin ng kayamanan
Kahit na halaga man ng
pambayad upa sa aming tahanan
Ay presyo lang ng nasa
mesa nila tuwing agahan
Bagong telepono, magara na sapatusan
Ayun ay 'di ko maibibigay
ang iyong layaw
Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sayo
Na laging ikalabing apat
ng Pebrero kada araw
Halik mo ay di kayang tuldukan
Ng tamis na daig pananim sa tubuhan
Di ka man mahandugan
kahit maski pandesal
Pag ibig ko ay hindi kayang
tumbasan ng ano mang materyal
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan
na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang
damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal
dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng
kahit na ano mang materyal
Pasensya kung minsanan
na lamang kita dalawin
Madalas lang talaga 'kong
kailanganin dun sa amin
Bakit wala kang kibo
tuwing ikaw ay yayakapin
Makasibat na nga
nanlalamig ka na ba sakin
Nako sana wag naman
gustuhin ko mang agaran
Na dalawin kaso baka kumot
mo'y nasa labahan pa
Wag kang mag alala sa aking kalagayan
Sa ngayon ay kaya ko ng
ibigay sa'yo ang kalawakan
Habang nakahiga't magkahawak ang kamay
Labi mo'y tanging sa
pisngi ko lang nakalagay
Tawanan hanggang sa mag umaga
Mapa kahirapan ay kasama mo akong umaray
Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong
Mga bagay na sana nagawa pa natin noon
Kung 'di ako makatulog na
nagmamaneho't gisingin
Ang dalawang higanteng
ilaw na sakin pasalubong…
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan
na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang
damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal
dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng
kahit na ano mang materyal
Kung nandirito ka lang ay
nasa langit na ako malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam
sayo'y malamig na hangin
'Di ka man kayang yakapin
nagawa kang tabihan
Ng ako lang ang may alam
Kung nandirito ka lang ay
nasa langit na ako malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam
sayo'y malamig na hangin
Di ka man kayang yakapin
nagawa kang tabihan
Ng ako lang ang may alam
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan
na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang
damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal
dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng
kahit na ano mang materyal