menu-iconlogo
logo

Kahapon Lamang

logo
Тексты
Kahapon lamang narito ang saya

May dalawang puso, daigdig na kay ganda

Sa kanilang mata mababanaag pa

Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa

Kahapon lamang ay magkahawak pa

Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga

Bagama't may ngiti, balatkayong saya

Magkabalikan pa kaya sila?

Sa kanilang mata mababanaag pa

Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa

Kahapon lamang pag ibig ay wagas

Animo'y batis na di magwawakas

Nguni't ba't naglayo, di na nagkasundo

Kahit nagmamahalan kapwa puso

Kahapon lamang pag ibig ay wagas

Animo'y batis na di magwawakas

Nguni't ba't naglayo, di na nagkasundo

Kahit nagmamahalan kapwa puso