Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahang may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman
Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y
Isilang sa mundo
Upang sa araw araw ay siyang
Makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapaglingkuran
Hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa maykapal
Higit sa 'king buhay
Sa bawat araw ang
Pag ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis,
Tumitingkad
Bawat kahapon ay
Daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng
Bawat bukas
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin
Ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at
Di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa
Matapos ang mundo'y
Nagunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Refrain:
Sa bawat araw ang
Pag ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis,
Tumitingkad
Bawat kahapon ay
Daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng
Bawat bukas
Bawat kahapon ay
Daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng bawat bukas
Labis kitang mahal
Tangi sa maykapal
Ngayon at kailanman