menu-iconlogo
logo

Sana'y Wala Ng Wakas

logo
Тексты
Sana'y wala ng wakas

Kung pag ibig ay wagas

Paglalambing sa'yong piling

Ay ligaya kong walang kahambing

Kung di malimot ng tadhana

Bigyang tuldok ang ating ligaya

Walang hanggan ay hahamakin

Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik

ay kaya kong tapakan

Kung yan ang paraan upang

landas mo'y masundan

Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan

Hindi kita maaaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin

Hanggang ang himig ko'y

maging himig mo na rin

Kahit ilang dagat ang dapat tawirin

Higit pa riyan ang aking gagawin

Sana'y wala ng wakas

Kapag hapdi ay lumipas

Ang mahalaga ngayon ay pag asa

Dala ng pag ibig saksi buong daigdig

Kung di malimot ng tadhana

Bigyang tuldok ang ating ligaya

Walang hanggan ay hahamakin

Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik

ay kaya kong tapakan

Kung yan ang paraan upang

landas mo'y masundan

Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan

Hindi kita maaaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin

Hanggang ang himig ko'y

maging himig mo na rin

Kahit ilang dagat ang dapat tawirin

Higit pa riyan ang aking gagawin

Di lamang pag ibig ko

Di lamang ang buhay ko'y ibibigay

Sa ngalan ng pag ibig mo

Higit pa riyan aking mahal ang alay ko.