Sana'y wala nang wakas
Kung pagibig ay wagas
Paglalambing sa iyong piling
Ay ligaya kong walang kahambing
Kung di malimot nang tadhana
Bigyang tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan kitang iibigin
Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung iyan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaring iwanan
Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawarin
Higit pa riyan ang aking gagawin
Sana'y wala nang wakas sana'y wala nang wakas
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pagasa
Dala nang pagibig
Saksi buong daigdig saksi buong daigdig
Kung di malimot nang tadhana
Bigyang tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan kitang iibigin
Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung iyan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaring iwanan
Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawarin
Higit pa riyan ang aking gagawin
Di lamang pagibig ko
Di lamang ang buhay kong ibibigay
Sa ngalan nang pagibig mo
Higit pa riyan aking mahal ang alay ko