Walang tigil ang gulo
sa aking pag iisip
Mula nang tayo'y
nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagka't 'di tayo bagay
Nakapagtataka
Kung bakit ganito
ang aking kapalaran
'di ba ilang ulit
ka nang nagpaalam
Bawat paalam
ay puno ng iyakan
Nakapagtataka
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid nang mga luha
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Walang tigil ang ulan
at nasaan ka araw
Napano nang pag ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag asa
Nakapagtataka
(saan na napunta)
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid nang mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na kong maramdaman
Napahid nang mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
(wohowo wohowohoo)