Hesus, aming Diyos at tagapagligtas
Ako'y namamangha sa 'Yong kabutihan
Pinasan Mo sa 'Yong likuran ang aming sakit at kasalanan
At do'n sa krus, ako'y pinalaya
Lahat ay luluhod, lahat magpupuri
Sa pangalan ni Hesus
Panginoon, aming Diyos, karapat-dapat Ka
Sa papuri, luwalhati't pagdakila
Ikaw ay tapat, banal, makapangyarihan
Oh, sa 'Yo ang lahat ng papuri
Hesus, aming Diyos, dakila Kang tunay
Ang Leon ng Juda, Kordero ng Diyos
Simula't katapusan
Lahat ay luluhod, lahat magpupuri
Sa pangalan ni Hesus
Panginoon, aming Diyos, karapat-dapat Ka
Sa papuri, luwalhati't pagdakila
Ikaw ay tapat, banal, makapangyarihan
Oh, sa 'Yo ang lahat ng papuri
Panginoon, aming Diyos, karapat-dapat Ka
Sa papuri, luwalhati't pagdakila
Ikaw ay tapat, banal, makapangyarihan
Oh, sa 'Yo ang lahat ng papuri
Ang Iyong kaharian, ang Iyong kalooban
Dito sa lupa, tulad ng sa langit
Ikaw ang Diyos ng mga Diyos, Hari ng mga Hari
Walang papantay sa 'Yo

Walang papantay sa 'Yo, oh
Panginoon, aming Diyos, karapat-dapat Ka
Sa papuri, luwalhati't pagdakila
Ikaw ay tapat, banal, makapangyarihan
Oh, sa 'Yo ang lahat ng papuri
Panginoon, aming Diyos, karapat-dapat Ka
Sa papuri, luwalhati't pagdakila
Ikaw ay tapat, banal, makapangyarihan
Oh, sa 'Yo ang lahat ng papuri
Oh, sa 'Yo ang lahat ng papuri
Tanging sa 'Yo ang lahat ng papuri