Minsang natikman
Ang init ng iyong halik
Akala ko narating
Ko na ang ulap sa langit
Sa aking pagpikit
Ang tanging naisip
Ikaw na sa hanggang wakas
Ang aking pag- ibig
Ngunit biglang nagbago ka
Hindi na madama
Kapag kapiling na kita
Nanlalamig ka na
Bakit ganiyan ang
'Yong pag- ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro- laro mo lamang
Ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag- iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y
Hinahanap- hanap pa rin
Ang lason mong halik
Apoy na dati- rati
Kay init ng liyab
Agad akong nadadarang
Kapag ikaw ay yumakap
Ngayo'y nag- iisa
Laging nilalamig
Nawala na ang lahat- lahat
Ito'y naging panaginip
Ngunit biglang nagbago ka
Hindi na madama
Kapag kapiling na kita
Nanlalamig ka na
Bakit ganiyan ang
'Yong pag- ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro- laro mo lamang
Ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag- iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y
Hinahanap- hanap pa rin
Ang lason mong halik
Bakit ganiyan ang
'Yong pag- ibig
Na ang akala ko ay langit
Gang ngayo'y
Hinahanap- hanap pa rin
Ang lason mong halik