Nangingilid na mga luha
Kamay na bumitaw ng kusa
Heto na rin siguro ang huling pagkakataon
Na kasama kita
Kung balang araw ay makakahanap ka ng iba
'Di ko na pipilitin na bawiin ka pa
Papalayain ang damdamin natin na pagod na
Alam ko masakit lamang 'to sa umpisa
Balewala pala lahat nang taon
Na binilang nating dalawa
Sa huling sandali gusto ko na lang na yakapin ka
Bago man lang lumayo ng tuluyan
Sana naman ay walang pagsisihan
Dito na lang meron pang hangganan
Kung 'di ka na hinabol at pinili na lang na hayaan
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga ala ala
Minahal mo ako minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa'yo
At palayain na
Bago matapos ang natitirang sandali
Ako ay hihiling na sana'y pagbigyan mong muli
Na mayakap ka
Dahil alam kong ito'y 'di na mauulit pa
Babaunin alaala nating dalawa
Walang sama ng loob na bibitawan ka
Mahirap ma'y wala na tayong magagawa
Salamat sa pagmamahal na 'yong pinadama
Patawad kung hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
'Di na kita mahal kung yan ang gusto mong marinig
Ay sasabihin na lang
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga ala ala
Minahal mo ako minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa'yo
At palayain na
Ganon nga talaga pag nagmahal ka
Hindi mo matitiyak kung tatagal ba
Sa labis na pag iiyak nangangatal na
Kase alam kong hindi ko na masasalba
Habulin man kita para saan pa
Eh ang puso ko puno na nang pangamba
Mga nangyare ay 'di na maganda
Dahil napapamahal ka na sa kanya
Bago man lang tayo mag iba ng landas
At sa mga limitasyon ay makalampas
Pwede bang payakap muna ng mahigpit
Bago ang mga pakpak mo tuluyang ialpas
Pinapangako na 'di na kita guguluhin
Kahit namimiss kita 'di na kita kukulitin
Kahit na masakit kailangan ko na 'tong gawin
Kung ano man ang meron tayo pinuputol ko na rin
Pinuputol ko narin
Pinuputol ko
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga ala ala
Minahal mo ako minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa'yo
At palayain na
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga ala ala
Minahal mo ako minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa'yo
At palayain na
Palayain na palayain na
Palayain na