May mga panahong naalala ka pa
Sa tuwing nagiisa
Hinahanap hanap kita
Sabihin mo mali pa ba na minahal ka at
Nakuha mo pang lumingon sa iba
Parang dati rati sayo pa nanggaling
Hindi ka magiiba di bibitaw sa ‘kin
Bakit pinalapit lapit mo ikaw rin pala ang
S’yang lalayo
Ating mga dati gusto nang malimot na
Pigilan na lang aking nadarama sinanay mo na
Nandyan ka ngayon sarili sasanayin ko na
Tanggapin ko na lang na hindi na tulad dati
Ang lahat at mananatiling dati na lamang
Ang mga alaalang sa kahapon na lang natin makikita
Kung ga'no kabilis sa'yo para bitawan
Ganon kabagal ang mundo para sa'kin upang
Makawala sa dating tayo
Ang hirap pala talaga tinitiis na lamang
Kasabay ng pagpikit ng mga mata nagkulang Ba
mali pa ba para ituring mong panakip sa lahat ng sakit na sa kanya nadama
Parang dati rati sayo pa nanggaling
Hindi ka mag iiba Di bibitaw sa'kin
Bakit pinaikot ikot mo tapos bibitawan lang ako
Ating mga dati gusto ng malimot na
Ipagpaliban aking nadarama
Sinanay mo na nandyan ka
Ngayon sarili sasanayin ko na
Tanggapin ko na lang na hindi na tulad dati
Ang lahat at mananatiling dati na lamang
Ang mga alaalang sa kahapon na lang natin makikita
Kung ga'no kabilis sa'yo para bitawan
Ganon kabagal ang mundo para sa'kin upang
Makawala sa dating tayo
Dati rati nandito ka lagi sa aking tabi
Dati rati ay rason pa ng iyong mga ngiti
Dati rating ibinabalik ating nakaraan
Dati rati na nakaraang ayaw ayaw nang balikan
Dati rati nasa pwesto nya na dati ay ako
Ngayon ang dating alaala natin ang
Gumugulo sa aking isip
Iniisip ko kung pa'no di isipin na umiwas na lang sa lahat ng
Dati rati natin kung sa akin nga aminin
Oo masakit pa rin ang taong binilang natin
Ganon mo na lang wasakin sa tatlong taong
Pinagkaloob ang lahat sayo hinayaan mong
Sirain ng isang tao sayo na minahal kang
Minsan at minsan na rin nanakit
Wala ng bago at ang dati'y umulit lang ulit
Kung sana lang ay alam ko na ganto pala kasakit
Di sana'y hinayaang dati sayo ay napalapit