Tumatanaw na naman sa langit
Kahit ilaw ng buwan
Pinagkakait
Tila walang bituing masusungkit
Kung nakagapos sa sakit
At pait
Hanggang kailan
May rehas ang buhay?
Ako'y
Bilanggo ng kahapon
Bawat araw ay tila
Hamon
Ganito na lang ba sa
Habang- panahon
Ganito ako
Babangon
Ngingiti kahit kapos sa saya
Lalaban kahit buhay ay madaya
Magtitiwala sa kanya
Na sa pag- ibig ako'y
Lalaya
Hanggang kailan
May rehas ang buhay?
Ako'y
Bilanggo ng kahapon
Bawat araw ay tila
Hamon
Ngunit ang puso ko ay
Hindi makukulong
Magmamahal
Sa lahat ng panahon
Oh- oh- oh
Bawat araw ay tila
Hamon
Ganito ang pag- asang
Hindi nakukulong
Ganito ako
Babangon