menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Sabihin mo nalang kasi [ZEPHANIE]

Dechanhuatong
✨👑❀🇩u200a𝖊c̆̈𝖍ă̈u200a𝖓❀🎶💫huatong
Liedtext
Aufnahmen
Inuunti-unti mo ba 'ko?

Akala mo ba'y madali 'to?

'Di mo ba naisip? Sobra 'tong pasakit

Dapat ko pa bang ipilit?

Mga yakap mo'y malamig na

Tila ba nawalan ng gana

Ano bang nangyari? May kulang ba sa 'kin?

Bakit 'di mo pa sabihin?

Kung 'di mo na ako mahal tulad ng dati

Naglaho bigla tamis ng pag-ibig

Ayaw mo na 'kong kasama hanggang sa huli, sa huli

Kung ayaw mo na sa 'kin ay 'wag kang magpanggap

Na para bang normal pa rin ang lahat

Ang pakiusap ko'y sabihin mo na lang kasi

Inuunti-unti mo ba 'ko?

Bakit mo pinararamdam 'to?

Bakit ka nagbago? Kung kailan ang puso'y

Ayaw nang mawalay sa 'yo

'Di mo na ba ako mahal tulad ng dati?

Naglaho bigla tamis ng pag-ibig

Ayaw mo ba 'kong kasama hanggang sa huli, sa huli?

Kung ayaw mo na sa 'kin ay 'wag kang magpanggap

Na para bang normal pa rin ang lahat

Ang pakiusap ko'y sabihin mo na lang kasi

Kinalimutan ko ang sarili ko

'Di 'pinagdamot ang buong buhay ko

Pag-ibig ko ay tunay at totoo

Ikaw lang talaga ang nagbago

Ikaw ang nagbago

'Di mo na ba ako mahal tulad ng dati?

Naglaho bigla tamis ng pag-ibig

Ayaw mo ba 'kong kasama hanggang sa huli, sa huli?

Kung ayaw mo na sa 'kin ay 'wag kang magpanggap

Na para bang normal pa rin ang lahat

Ang pakiusap ko'y...

Ang pakiusap ko'y

sabihin mo na lang kasi

Sabihin mo na lang kasi

Mehr von Dechan

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen