Sa‘king paglalakbay
Di maiwasang magtanong
Kung ba’t kay buti Mo Panginoon
At sa pagninilay-nilay
Marami nang nasasagot
Sa harap ng lahat ng pagsubok
Salita Mo ang sandata ko
(Umiindak) Hindi ko mapigilan
(Sumisigaw) Kasabay ng padyak ay sasayaw
(Ang Iyong kumpas) Ang tanging aawitan ko
Dahil sa Iyo Ama, natuto akong mabuhay ng may pagmamahal
At ang pagsunod sa Iyong salita
ang siyang gabay
Dahil sa Iyo namulat ako
Sang-ayon sa’Yong paghahangad
Ngayo’y buo, ako ay buo
Dahil sa Iyo
Sa dami ng hadlang
Handa na ang pusong lito
Na tanggapin na Ikaw lang ang hari sa mundo
Umiindak) Hindi ko mapigilan
(Sumisigaw) Kasabay ng padyak ay sasayaw
(Ang Iyong kumpas) Ang tanging aawitan ko
Dahil sa Iyo Ama, natuto akong mabuhay ng may pagmamahal
At ang pagsunod sa Iyong salita
ang siyang gabay
Dahil sa Iyo namulat ako
Sang-ayon sa’Yong paghahangad
Ngayo’y buo, ako ay buo
Dahil sa Iyo
Sa mga oras na sarili ang kalaban
Pag-ibig Mo O Dios ang tangi kong sandalan
Handa akong ipagsigawan ang ‘Yong ngalan
Dahil sa Iyo (Dahil sa Iyo)
Dahil sa Iyo natuto ako…
Dahil sa Iyo Ama, natuto akong mabuhay ng may pagmamahal
At ang pagsunod sa Iyong salita
ang siyang gabay
Dahil sa Iyo namulat ako
Sang-ayon sa’Yong paghahangad
Ngayo’y buo, ako ay buo
Dahil sa Iyo
Ama, ako ay buo dahil sa Iyo