Sa pagtila ng ulan
Lungkot ay nararamdaman
Oh kay bigat nitong damdamin
Isip ay naglalakbay
'Di malaman kung saan
Patutungo itong aking buhay
Ako'y nawalay kay tagal
Sa Iyo Oh Maykapal
Puso ko'y buksan
At Ikaw ay manahan
Kailan kaya masisilayan
pagbuhos ng ulan?
Kailan makakamit pag-ibig Mong walang hanggan?
Kaya't ako'y nagsusumumamo
Dinggin Mo ang aking dasal
Dalangin na ang puso ko'y buksan
Kay raming kasalanan
Kay rami kong pagkukulang
Ilang ulit Ikaw ay nasaktan
Ngunit laging nariyan Ka
Habag Mo ay ipinadarama
Kailanma'y 'di nilisan
Ang tulad kong dukha
Nawalay man nang kay tagal
Sa Iyo Oh Maykapal
Puso ko'y binuksan
At Ikaw ay nanahan
Ngayon ay nasilayan ang pagbuhos ng ulan
Ngayon ay nakamit pag-ibig Mong walang hanggan
Kaya't ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng
puso kong nabuksan
Ngayon ay nasilayan ang pagbuhos ng ulan
Ngayon ay nakamit
pag-ibig Mong walang hanggan
Kaya't ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng
puso kong nabuksan
Sa'Yo ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng puso kong nabuksan