Sa ibayo ng dagat may isang lupang tigang tawag ay perlas ng silangan
Mga sikat ng araw na nagsisilbing gabay tanglaw na nanggaling sa kalawakan
Mga bukid na ginto matatayog na bundok at luntian na kapaligiran
Ihip ng hangin patak ng ulan itoy nagsisilbing dilig sa kanyang yaman
Sumapit ang dilim may buhong na lumitaw at ang yaman nito ay kinamkam
May unos na dumating luha ng kalangitan sanhi ng salot sa Lupang Tigang
Oh kaypait naman ng kapalaran itoy humihingi ngayon ng kasagutan
Sumabog ang bulkan ang lahat ay nayanig at ang taong buhong ay nanginig
Nagliwanag ang langit kumulo pati tubig tila malagim na panaginip
Oh kaypait naman ng kapalaran itoy itoy binigyan na ngayon ng kasagutan
Kabutihay nagwagi ang buhong ay nagapi nanumbalik ang katahimikan
Nagliwanag na muli sa gawing silangan nalansag ang salot sa lupang tigang
Ihip ng hangin patak ng ulan itoy nagsisilbing dilig sa kanyang yaman
Ihip ng hangin patak ng ulan itoy nagsisilbing dilig sa Lupang Tigang