menu-iconlogo
huatong
huatong
celine-alexis-saglit-cover-image

Saglit

Celine_Alexishuatong
💕💦ᴄᴇʟɪɴᴇ~ᵏⁿᶠhuatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Malayo man ang distansya

Di man marinig

Ang boses mong aking nakasanayan

Pipikit nalang muna

At papagalingin

Ang mga mata sa kaluluha

At hihinga ng malalim

At papakalmahin ang patalim

Tapos na ang laban

Salamat sa saglit

Salamat sa sakit

Ako'y di magsisisi

Kahit di ka na sa akin

Kung bukas man ako ay lilingon

Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin

Sa paghulma ng paalam,

Di na madama

Ang pagbitaw ng 'yong mga kamay

At pipikit nalang muna Iiwas ng tingin

At aatras bago ito bawiin

At hihinga ng malalim

At papakalmahin ang patalim

Tapos na ang laban

Salamat sa saglit

Salamat sa sakit

Ako'y di magsisisi

Kahit di ka na sa akin

At kung bukas ako ay lilingon

Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin

Ooh, oooh

At sa pagbawi ng tadhana

Masakit man magpalaya

Doon ako kung san ka sasaya Kung san ka malaya

Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y di magsisisi Kahit di ka na sa akin At kung bukas man ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsa'y sandaling Naging akin

เพิ่มเติมจาก Celine_Alexis

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ