Minsan sa may kalayaan
tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik at
kaya kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo
ngunit ngayon kay bilis
maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang
ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin
ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
minsan ay parang wala
nang bukas sa buhay natin
inuman sa magdamag na para
bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya
ngunit ngayon kay bilis
maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang
ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin
ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
minsan ay hindi ko na
alam ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang buhayin
ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan baka
ikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan