menu-iconlogo
huatong
huatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Bakit ba hindi kita maiwan?

Gusto ka lagi kang katabi

'Di nawala kahit na minsan

Siguro 'di naman mali

'Di tayo mapaghiwalay, do'n ako sanay

'Yung lagi kitang abot kamay

'Yoko kitang i-flex, ang gusto ko lang, you and I

Ang nakakaalam kung saan nakalagay

Pwede sa bewang, pwede sa hita

Kahit saan basta walang makakakita

Magka-gipitan, madali na makapa (Madaling makapa)

'Pag nakaipit dapat 'di mahalata ('Di halata)

Kahit malayo o malapitan

Ikaw ang unang lalapitan

Ikaw ang unang kakapitan

Alam kong hinding-hindi ka mang-iiwan, kaya

Lagi kong dala-dala kahit saan

Kahit na 'di pa alam kung para sa'n

Lagi lang nakahanda kung sakali

Pinagdadasal na lang na 'wag magamit

Kasi lagi kong dala-dala kahit saan

Kahit na 'di pa alam kung para sa'n

Lagi kong kinakasa kung sakali

Lalo 'pag bumababa sa mga kalye

'Pag about sa'yo, oh, laging pupusuan

Iba rin naman 'pag iyong napusuan na

Maging kampante ay sa'yo ko natutunan

Hatid mong ingay, katahimikan sa ibang banda

Tambalan na natin 'yung tipong 'di pwede na maghiwalay

Kahit pagkain hanggang sa pagtulog, napili ka nang kasabay

Kung malayo, 'di mapalagay kung 'di sa maabot ka na palagay

Kailangan palagi ka lamang malapit, 'yung tipong handang sumabay

Ayaw ibandera kahit 'di illegal

Ako'y kalmado na, ikaw ang naibigan

Ika'y matalik ko bukod pa sa kaibigan

Lisensyado hanggang sa papel, ikaw ang naibigan

Lagi kong dala-dala kahit saan

Kahit na 'di pa alam kung para sa'n

Lagi lang nakahanda kung sakali

Pinagdadasal na lang na 'wag magamit

Kasi lagi kong dala-dala kahit saan

Kahit na 'di pa alam kung para sa'n

Lagi kong kinakasa kung sakali

Lalo 'pag bumababa sa mga kalye

Dapat palagi kitang kasama kahit na ano pa mang mangyari

Lalo 'pag nasa labas, 'di mo naman masasabi

Papalag kung papalag, eh pa'no kung alanganin

Eh ano pa kayang posibleng magawa kung may masamang hangarin

Kaya gusto ko palagi 'yung madali lang kita na maabot

Para kahit sa gabi, mahimbing na tulog, hindi na ako takot

Kahit pa na umalis, kahit na mapalayo

Pagka merong makulit, na hindi ko na trip, ikaw taga-sagot, nako, lagot

'Yan ang lagi kong panalangin

Na 'wag naman po sana, 'wag naman, 'wag magalit

Alam ko nang madami d'yang ibang maaakit, kaya palagi lang nakatago, nakasabit

Hinahanap 'pag wala sa'king tabi

Piling ko 'pag nand'yan ka do'n ako safe

Utos ko masusunod, pero 'di siya safe

Ah, yeah, I pray na 'di magamit, God's sake

Meron lang tayong connection, mainit kapag tumalab

Ayoko na lang nai-mention, iba kapag sumagad

Bibigyan laging attention, sa bewang o kaya sa bag nakalagay

Lalo na 'pag kada lapag hindi papalamang

Handa ka palaging ako'y saluhin

Sa side ko kahit 'di na tanungin

Kaya 'pag, 'pag kasama, delikadong guluhin

Sa ano mang paraan, 'wag nang tanungin, basta

Lagi kong dala-dala kahit saan

Kahit na 'di pa alam kung para sa'n

Lagi lang nakahanda kung sakali

Pinagdadasal na lang na 'wag magamit

Kasi lagi kong dala-dala kahit saan

Kahit na 'di pa alam kung para sa'n

Lagi kong kinakasa kung sakali

Lalo 'pag bumababa sa mga kalye

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

Lagi-lagi, lagi-lagi

เพิ่มเติมจาก Ex Battalion

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ