menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Sundalo

FATHER & SONhuatong
savetheworld1huatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Aalis si itay, madedestino sa lugar

Na magulo't maraming away

S'ya'y hahakbang papalayo at lilingon-lingon sa 'min

Na mabigat ang kalooban

At lalapit ang nanay ko, magtatanong kung saan at

Kailan s'ya babalik sa amin

Lumuluha ang nanay ko at yayapos sa kabiyak

Magsasabing mag-ingat ka

S'ya'y magpapayo sa amin, pakabait lang daw kami

Huwag pabaya sa aming sarili

Isang mahigpit na yakap, mga halik sa 'ming pisngi

Bago siya lumisan ng bahay

Lumipas ang mga araw, nag-iisip, nagpupuyat

Naghihintay ang aming nanay

Bigla na lang may dumating, isang mensaheng madilim

Galing sa kampo ni tatay

Ang nakasaad sa sulat, 'wag daw kami mabibigla

'Pagkat pumanaw na ang tatay

Nakabaril daw sa kanya'y isang rebeldeng sundalo

Kapwa n'ya rin Pilipino

Oh, kailan na matatapos mga problema't kaguluhan

Dito sa bansang Pilipinas?

Sana'y wala nang NPA, MNLF, RAM, CPP

Mapagsamantalang tao sa gobyerno

Sana alitan kalimutan na, katotohana'y harapin

Bigyang daan kapayapaan

Oh, kailan na matatapos mga problema't kaguluhan

Dito sa bansang Pilipinas?

Sana'y wala nang NPA, MNLF, RAM, CPP

Mapagsamantalang tao sa gobyerno

Sana alitan kalimutan na, katotohana'y harapin

Bigyang daan kapayapaan

เพิ่มเติมจาก FATHER & SON

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ

Sundalo โดย FATHER & SON – เนื้อเพลง & คัฟเวอร์