menu-iconlogo
huatong
huatong
florante-bugtong-bugtong-cover-image

Bugtong-Bugtong

Florantehuatong
catequesehuatong
เนื้อเพลง
บันทึก
May liwanag kung mayrong dilim

May sagot kung may katanungan

May hangganan nga ba ang isip

Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Hindi hayop hindi tao ngunit mayrong ulo

Kadalasang kasama ay mga karpintero

At kung itoy ililibing sa kahoy o bato

Kailangang pukpokin ng martilyo

Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Hindi hayop hindi tao mayrong butot balat

Mahaba ang bituka at itoy lumilipad

Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad

Asahan mong ito ay sasadsad

Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

May dila nga ngunit ayaw namang magsalita

Kambal silat laging kasama ang isat isa

Itali o igapos kahit higpitan mo pa

Tiyak silang sa iyo ay sasama

Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Mayrong araw mayrong buwan hindi naman langit

Mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik

Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi

Wakas niya ay ipinagbubunyi

May liwanag kung mayrong dilim

May sagot kung may katanungan

May hangganan nga ba ang isip

Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

เพิ่มเติมจาก Florante

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ