menu-iconlogo
huatong
huatong
freddie-aguilar-magdalena-cover-image

Magdalena

Freddie Aguilarhuatong
rdulcio01huatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Tingin sa iyo'y isang putik

Larawan mo'y nilalait

Magdalena ikaw ay 'di maintindihan

Ika'y isang kapus-palad

Bigo ka pa sa pag-ibig

Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera

Kaya ika'y namasukan

Doon sa Mabini napadpad

Mula noon, binansagan

Kalapating mababa ang lipad

Hindi mo man ito nais

Ika'y walang magagawa

Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo

Tiniis mo ang lahat

Kay hirap ng kalagayan

Ang pangarap mo, maahon sa hirap

Kaya ika'y namasukan

Doon sa Mabini napadpad

Mula noon binansagan

Kalapating mababa ang lipad

Magdalena, ikaw ay sawim-palad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena, ikaw ay sawim-palad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena, Magdalena

Ibig mo nang magbago at

Mamuhay na ng tahimik

Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit

Hanggang kailan maghihintay

Hanggang kailan magtitiis

Ang dalangin mo, kailan maririnig

Magdalena ikaw ay sawim-palad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena ikaw ay sawim-palad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena, Magdalena

เพิ่มเติมจาก Freddie Aguilar

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ