Oooo
Oooo
Kahit ang lupa ay sumusuko
Sa init ng tagaraw
Sinag ng tala ma'y nadadako
Rin sa pamamanglaw
Ang alaala ay lumilipas
At naibabaon
Kulay ay kumukupas
Sa agos ng panahon
Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Kung mayrong pagmamahal
Pag ibig ang siyang maghahari
Kaya magtatagal
Kahit sa dulo ng bahaghari
Ikaw at ako'y dalhin
Kahit ano'ng mangyari
Ikaw ay mamahalin
Kahit na ano'ng mangyari
Kung mayrong pagmamahal
Pag ibig ang siyang maghahari
Sinta'y magtatagal
Harinawa harimanawari
Ikaw at ako pa rin
Kahit ano'ng mangyari
Ikaw ay mamahalin
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari
Ikaw ay mamahalin
Oooo