Nang dahil sa pag ibig 
Tootsie guevarra 
Sarili ko'y napabayaan 
Mula nang ika'y ibigin ko 
Tanging sa'yo lang umikot mundo 
Nang puso kong ito 
Nahihirapan man ako 
Dahil dalawa kaming mahal mo 
Wala kang sumbat 
Maririnig mula... 
sa labi ko 
Nang dahil sa pag-ibig natutong magtiis 
Nang dahil sa pag-ibig nagmahal ng lubos 
Ang puso kong ito 
Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko 
Nang dahil sa pag-ibig sunod sunuran ako sa lahat ng gusto mo 
Nang dahil sa pag-ibig umiiyak ngayon 
Ang puso ko 
Nahihirapan man ako 
Dahil dalawa kaming mahal mo 
Wala kang sumbat 
Maririnig mula.... 
sa labi ko 
Nang dahil sa pag-ibig natutong magtiis 
Nang dahil sa pag-ibig nagmahal ng lubos 
Ang puso kong ito 
Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko 
Nang dahil sa pag-ibig sunod sunuran ako sa lahat ng gusto mo 
Nang dahil sa pag-ibig umiiyak ako ngayon 
'Di ako makikinig sa mga payo niyo 
Puso ko ang susundin ko 
Pagka't mahal 
Mahal ko siya 
Nang dahil sa pag-ibig natutong magtiis 
Nang dahil sa pag-ibig nagmahal ng lubos 
Ang puso kong ito 
Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko 
Nang dahil sa pag-ibig sunod sunuran ako sa lahat ng gusto mo 
Nang dahil sa pag-ibig umiiyak ngayon 
Ang puso ko 
Produced by : Jhojo MakQuez