Hmm, yeah-yeah, oh
'Di ka ba nagsasawa sa mga panloloko n'ya?
'Di mo ba nakikita ang kiss mark d'yan sa leeg n'ya?
Hinahayaan mo s'ya na lagi kang paglaruan
Heto ka at naka-smile, kahit ika'y nasasaktan
Baby, huwag mo nang pahirapan ang damdamin mo
Try mo kayang ibigin ang isang tulad ko?
Mamahalin kita ng todong-todo
Ang puso mo, asahang iingatan ko
Iibigin ka ng wasto at totoo
Ako'y sa 'yo, kahit magunaw ang mundo
Oh-whoa-oh, todong-todo
Oh-whoa-oh, todong-todo
Wagas na pagsinta ang alay ko sa 'yo
Mamahalin kita ng todong-todo
'Di ba n'ya nakikita ang 'yong tunay na halaga?
Ang bae na katulad mo ay dapat na sinasamba
Ikaw ay biyaya at yamang hulog ng langit
Kahit na sa ginto ay hindi ka ipagpapalit
Baby, huwag mo nang parusahan ang sarili mo
Try mo kayang ibigin ang isang tulad ko
Mamahalin kita ng todong-todo
Ang puso mo, asahang iingatan ko
Iibigin ka ng wasto at totoo
Ako'y sa 'yo, kahit magunaw ang mundo
Oh-whoa-oh, todong-todo
Oh-whoa-oh, todong-todo
Wagas na pagsinta ang alay ko sa 'yo
Mamahalin kita ng todong-todo
Huwag mo nang pakinggan ang kanyang mga dahilan
Ang lahat ng 'yan ay walang katotohanan
Huwag mo na ring asahan na s'ya'y magbabago
Ang taong tulad nya ay sadyang manloloko
Halika ka na't hawakan ang aking mga kamay
Dito sa tabi ko, t'yak 'di ka na malulumbay
Asahan mong ako'y magiging true to you
Sa hirap at ginhawa, ako ang kasama mo
Aalagaan ka ng todong-todo
Aalagaan ka ng todong-todo
Mamahalin kita ng todong-todo
Ang puso mo, asahang iingatan ko
Iibigin ka ng wasto at totoo
Ako'y sa 'yo, kahit magunaw ang mundo
Oh-whoa-oh, todong-todo
Oh-whoa-oh (no-no-no-no-no), todong-todo (todong-todo)
Wagas na pagsinta ang alay ko sa 'yo (ooh)
Mamahalin kita ng todong-todo (mamahalin kita)
Oh-whoa-oh, todong-todo
Oh-whoa-oh (na-na-na), todong-todo (oh)
Wagas na pagsinta ang alay ko sa 'yo
Mamahalin kita ng todong-todo