Laging ikaw ang hinahanap ko
Laging ikaw ang tinatawag ko
Pag-asa ko ay ang kalinga mo
Sa piling mo kailanma'y di mabibigo
Ligaya ko kapag nalulumbay
Katuwiran mo saki'y umaakay
Kailanpaman ay hindi maliligaw
Kung ikaw ang siyang sa akin ay gagabay
Salamat at laging nariyan ka
Kasama ko sa'king pag-iisa
Mahirap man itong buhay aking makakaya
Dahil sa'yong kabutihan oh Dios Ama
Pag lumuluha at nagdaramdam
Pag may bigat itong kalooban
Pasan ko ay agad gumagaan
Dahil laging mayrong nag-iisang ikaw
Salamat at laging nariyan ka
Kasama ko sa'king pag-iisa
Mahirap man itong buhay aking makakaya
Dahil sa'yong kabutihan oh Dios Ama
Huwag na huwag mo akong iiwanan
Ako'y wala nang iba pang maaasahan
Salamat at laging nariyan ka
Kasama ko sa'king pag-iisa
Mahirap man itong buhay aking makakaya
Dahil sa'yong kabutihan oh Dios Ama
Salamat at laging nariyan ka
Kasama ko sa'king pag-iisa
Mahirap man itong buhay aking makakaya
Dahil sa'yong kabutihan oh Dios Ama
Dahil sa'yong kabutihan oh Dios Ama