menu-iconlogo
huatong
huatong
kyle-raphael-byahe-hunyo-cover-image

Byahe (Hunyo)

Kyle Raphaelhuatong
nippypinshuatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Sandal ka muna sa 'kin

Malayo pa ang b'yahe natin

Matulog ka na lang, antukin

'Di na kita guguluhin

At kung mapagod ka, andito lang ako

Sumandal ka sa mga balikat ko

Isang biyaya ka sa mundong ito

Na iingatan ko ng buong puso ko

Wala na 'kong hahanapin pa

Dahil sa biyaheng ito, ikaw ang kasama

Kahit ilang oras pa

Handa akong mag-antay

Basta't sa biyaheng panghabang-buhay

Sana'y ako pa rin ang 'yong kasabay

Dantay ka muna sa 'kin

Ilang oras pa ang biyahe natin

Huminga ka muna nang malalim

Malayo na'ng ating narating

Pero ang layo pa ng lalakbayin

Hmm

Wala na 'kong hahanapin pa

Dahil sa biyaheng ito, ikaw ang kasama

Kahit ilang oras pa

Handa akong mag-antay

Basta't sa biyaheng panghabang-buhay

Sana'y ako pa rin

Ang iyong katabi, sa hirap at ginhawa

Pero ba't 'di mo sinabi na may

Hinihintay ka lang pala?

Naghihintay na baka bumalik pa siya

Wala na 'kong magagawa pa

Dahil sa biyaheng ito, iba na'ng 'yong kasama

Pero salamat muli sa oras mong binigay

Ngunit sa biyaheng panghabang-buhay

'Di na pala ako ang 'yong kasabay

เพิ่มเติมจาก Kyle Raphael

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ