menu-iconlogo
huatong
huatong
looniearthur-nery-palaisipan-cover-image

Palaisipan

Loonie/Arthur Neryhuatong
lentekriebelhuatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula?

Baby, pakiusap

Kung magpapakilala sana

Puwede bang idaan mo lahat sa hawak?

Naligaw lang sa dinami-dami ng mga

Pasikot-sikot sa 'yong katawan

Sana lang ay mapadaan, hmm

Nabulag sa 'yong mga kurbada

Nabudol sa mga usapang walang kontrata

Harutan hanggang sa abutan nang umaga

Walang sagot sa katanungang, "Tayo nga ba?"

Aruy, kung ayaw masaktan, 'wag nang umasa (no)

Nagbabakasali na lang na tsumamba

Ang mga dasal sa Maykapal, sana gumana

Kaso madalas sila ni Satanas ang magkakuntsaba

Matagal ko na 'tong 'pinapanalangin

Na ika'y tuluyang mapaibig sa 'kin

Ngunit ako'y parang dagang dinagit lang ng lawin

Pinaglaruan tapos pinakawalan rin

Tinig ay tahimik, isip ay malalim

Hirap nang basahin, tila ba Baybayin

Sarili kong lengguwahe ng pag-ibig ay pag-amin

Ikaw ginawa mong sining ang pagiging sinungaling

Kung magpapakilala sana

Puwede bang idaan mo lahat sa hawak?

Naligaw lang sa dinami-dami ng mga

Pasikot-sikot sa 'yong katawan

Sana lang ay mapadaan

Ano ba talaga tayo? Para lang klaro

Kailangan kong malaman kung mahal mo pa ba 'ko

Naglalaro ka lang ba o nananarantado?

Kasi nakita ko kahapon may kasama kang bago

Ayoko nang umasa sa mga usapang malabo

Parang gamugamong nadarang at napaso

Nadala at mas lalo lang nawala

At naglaho ang mga balak at plano

Nagmukha pa 'kong gago

Kaya walang mga pangako, puro para-paraan

Laging telebabad kahit walang tawagan

Araw-araw normalan, kasi para pa saan

Ang mga sumpaan kung wala namang karapatan?

Ibig kong maliwanagan, 'wag mo sanang diliman

Kapaan parang magkasintahan sa sinehan, matinding palaisipan

Sa dami ng pasikot-sikot, nagkakasalisihan

Kung magpapakilala sana

Puwede bang idaan mo lahat sa hawak?

Naligaw lang sa dinami-dami ng mga

Pasikot-sikot sa 'yong katawan

Sana lang ay mapadaan

Oras at konting espasyo lang

Ang kailangan nating dal'wa sa ngayon

Ngunit parang 'di naman 'to hadlang

Palapit na tayo sa kalawakan

May dalawang magkasintahan sa taas ng bundok

Nagkasundong tapusin ang buhay nilang malungkot

Hindi na masaya sa kama, hanap na ay tuldok

Usapan ay sabay silang tatalon sa tuktok

Sabi niya, "Magtiwala ka lang sa 'kin, mahal ko

Talon tayo nang sabay, pagbilang ko ng tatlo"

Kaso lang ang problema pagkatapos niyang bumilang

Siya lang ang tumalon

Si babae nagpaiwan habang nakatingin sa kaniya, nakangiti lang

Ngunit biglang nagulat ang babae

Nang nakitang nakangiti din si lalaki habang pababa siya

Sabay biglang buka ng dambuhalang parakayda

Ngayon, sino'ng mas taksil sa dalawa?

Sino ang mas tuso? Sino ang mas tanga talaga?

'Yong lalaki ba na may dalang backup plan?

O 'yong babae na wala siyang balak back up-an?

เพิ่มเติมจาก Loonie/Arthur Nery

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ