Ng ikaw ay unang makilala
Puso ko'y lumundag sa ligaya
Pag ibig ko sayo'y ibinigay ko na
Ang akala ko'y totoong totoo ka
Bakit ang sabi mo'y binata ka
Walang sabit at malaya pa
Noon pala'y may pananagutan na
Bakit ang sabi mo'y binata ka
Pilit kong ikaw ay limutin
Masakit man ito sa damdamin
Luha ko sa mata ay pipigilin
Ala ala wag lang mapansin...
Bakit ang sabi mo'y binata ka
Walang sabit at malaya pa
Noon pala'y may pananagutan na
Bakit ang sabi mo'y binata ka
At ngayon tayo ay muling magkita
Ako ay nagulat sa ligaya
Ngunit ang pag ibig ko'y wala na
Ito ay inangkin na ng iba
Bakit ang sabi mo'y binata ka
Walang sabit at malaya pa
Noon pala'y may pananagutan na
Bakit ang sabi mo'y binata ka
Ako ngayon ang nagdurusa
Pagkat mahal pa rin kita...