menu-iconlogo
huatong
huatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Isang batang nagmula sa lungsod ng pag-ibig

Pero lumaki na 'di marunong umakit at magalit

Kakaiba magsalita tono parang kumakanta

Kaya siguro ay nahilig umawit at mag-rap

'Di man kasing galing ni Francis M, Gloc at Abra

Pero kung 'di ngayon sisimulan sabihin mo kelan pa

Kasi kung may pangarap dapat ay hindi ka matakot

Laksan mo ang yong loob para ito ay maabot

Kahit sabihin man nila na 'di mo kaya

'Wag maniwala dahil 'di sila gagawa ng iyong tadhana

'Wag kang matakot, 'wag yuyuko dahil kaya mo

Ang buhay na ito ay nasa mga kamay mo

Kung meron kang pangarap lakasan ang loob

Oo minsan ay mabibigo pero 'wag hihinto

Kasi sa bilyon-bilyong tao sa mundong ito

Nag-iisa ka lang walang katulad mo

Ito na ang panahon

Meron kang pagkakataon

Sabay harapin ang mga hamon

Oras mo ay ngayon

Wag matakot mangarap

Kahit minsan ay mahirap

Sabay harapin ang mga hamon

Oras mo ay ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

Sabi nila sa akin mag-revive na lang daw ng kanta

Kasi kung gusto mo sumikat yun naman ginagawa

'Di ko kailangan ang makilala nais ko lang sumulat at

Iparinig ang mga awit ng puso sa inyong lahat

Kahit sabihin man nila na 'di mo kaya

'Wag maniwala dahil 'di sila gagawa ng iyong tadhana

'Wag kang matakot, 'wag yuyuko dahil kaya mo

Ang buhay na ito ay nasa mga kamay mo

Kung meron kang pangarap lakasan ang loob

Oo minsan ay mabibigo pero 'wag hihinto

Kasi sa bilyon-bilyong tao sa mundong ito

Nag-iisa ka lang walang katulad mo

Ito na ang panahon

Meron kang pagkakataon

Sabay harapin ang mga hamon

Oras mo ay ngayon

'Wag matakot mangarap

Kahit minsan ay mahirap

Sabay harapin ang mga hamon

Oras mo ay ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

Ngayon ngayon ngayon

เพิ่มเติมจาก Myrtle Sarrosa

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ