Pag ibig ang siyang pumukaw 
Sa ating puso't kaluluwa 
Ang siyang nagdulot sa ating buhay 
Ng gintong aral at pag asa 
Pag ibig ang siyang buklod natin 
Di mapapawi kailan pa man 
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang 
Kahit na tayo'y magkawalay 
Koro: 
Pagka't ang Diyos natin 
Diyos ng pag ibig 
Magmahalan tayo't magtulungan 
At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin 
Na may Diyos tayong nagmamahal 
Sikapin sa ating pagsuyo 
Ating ikalat sa buong mundo 
Pag ibig ni Hesus ang siyang sumakop 
Sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo 
Koro: 
Pagka't ang Diyos natin 
Diyos ng pag ibig 
Magmahalan tayo't magtulungan 
At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin 
Na may Diyos tayong nagmamahal 
Diyos ay pag ibig 
Diyos ay pag ibig