menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Magkano

Pio Balbuenahuatong
bsdfsedeehuatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Napakarami na sa'ting rumerespeto lang sa pera

Kapag walang laman ang bulsa itsapwera

Matagal ko nang alam na hindi patas ang karera

Sa mundo ng papel at barya nakakadena

Anong palagay ng makati ang kamay

Ang bibilis nilang kumilos kapag merong lagay

'Pag wala kang mabigay mabagal at matamlay

Walang pake kahit mangawit ka sa kakaantay

Bakit ka aasikasuhin mayaman ka ba

Mumurahin lang suot mo tapos mukha kang paa

Sumisingkit sumusingit ang mga mata

Kakapkapan ka mula taas hanggang sa baba

'Pag mayaman ang dating laging importante

'Wag niyo nga kaming gawing mga ignorante

Kailangan pang magsuot ng malaking diyamante

Nababayaran kada respeto niyo parati

May bago kang damit magkano

S'an ka nagpagupit magkano

Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao

Sige magkano

Binabago ang pagkatao

'Pag tinanong ng magkano

Halos lahat nakikinig

Yung iba nanginginig

'Pag tinanong ng magkano

Wala kang kwenta 'yan ang madalas maramdaman

Lalo na 'pag ang bulsa mo ay nawalan na ng laman

Kailangan ko raw masanay sa ganitong kalakaran

Na salapi palagi ang may hawak ng patakaran

Itatrato ka nila na parang walang halaga

Hindi pantay ang mundo masasaktan ka talaga

Sino ang nasa ibabaw nakakapagtaka ba

Sa pag-akyat mo sa hagdan mangangapa-ngapa ka pa

'Kakakaba pero kailangan kong lakasan

'Pag inapakan subukan mo munang 'wag palagan

Maraming titira sa'yo kailangan mo lang tatagan

Digital na yung karma lagi mo 'yang tatandaan

May mga tao pa rin na may respeto pa

Kaso nga lang yung iba ay may presyo na

Hindi ko na tatanungin kung magkano ba

Ayoko kasing bumili baka magbago pa

May bago kang damit magkano

S'an ka nagpagupit magkano

Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao

Sige magkano

Binabago ang pagkatao

'Pag tinanong ng magkano

Halos lahat nakikinig

Yung iba nanginginig

'Pag tinanong ng magkano

May bago kang damit magkano

S'an ka nagpagupit magkano

Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao

Sige magkano

Binabago ang pagkatao

'Pag tinanong ng magkano

Halos lahat nakikinig

Yung iba nanginginig

'Pag tinanong ng magkano

เพิ่มเติมจาก Pio Balbuena

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ