Makinig kana muna sa tula ko
Bago mo pakawalan mga dura mo
Ibahin mo ang mga nilikha ko
Tila bagong aparato sa mundo ng makalumang mga tao
Nainip kaya medyo apurado
Spit ng mabilis parang takbong makibao
Pero pinag-isipan bago ko itinula to
Niluto kong mabuti bago ilagay sa plato
Kalagan mo'ko, may kakatayin lang akong hipokritung tupa
Kung makapanita ng mga bago
Ay akala mo hindi dumaan sa pagiging tuta
Nagsitahol lang ng malakas
Ayaw ng mga bagong palabas
Dapat sila lang ang nasa taas
Sila ang mga hari at alas
Edi ikaw na, kinang inang to
Ang masilaw sa sariling kinang mo
Binilang mo pa lahat ng binigay mo
Eh wala naman makuha dyan nung hinimay ko
Mga nanggaling din sa ilalim
Mga, mga dati ding alanganin
Kaso no'ng nagsimulang pagpalain
Sa ulo napunta lahat ng sariwang hangin
Hindi ko alam kung bakit ganon
Ba't ayaw nila kaming mapunta don
Pinagdamutan ng pagkakataon
Ah wala kong pake ilabas sa kahon
Sapul ka ngayon
Lahat ng 'toy sinadya ko't hindi basta nagkataon
Ngayon ka makakakita ng dragon
At nag-aalburutong Bulkang Mayon
Tanggalan ng ulo ang puno't dulo
Na sumisipa sa'tin pabalik papuntang dulo
Tinanggal na ang pananabik sa pakulo mo
Ngayon ang kumukulo naman ay ang dugo ko
Saluhin mo ang lahat ng galit
Makatindig balahibo't anit
Isa sa pinakamagandang awit
Para sa lahat na ginawa mong pangit
Ang daming nahanginang ulo
Sarap paputukin parang naglalakihang lobo
Yong akala mong Usa ngayon ay mabangis ng toro
Hindi kaya ng leon ang naalimpungatang oso
Kung ako tatanungin, mapupurol ang mga bobo
Umastang kuko ng Agila ang mga tuka ng loro
Ang sandata ko'y katanang may talas ng jungle bolong
Sintalim ng mga ngipin ng higanteng isdang Oro
Uulan ng mga bara
Luluhod ang mga tala
Malamang merong tamaan ng mga ligaw na bala
Walang talo ang hinagis kong barya na doblekara
Bawal bumaba dito sa byahe ko walang papara
Pag ako na sumampa, sigurado
Meron na namang magliliyab na entablado
Parang bulkan nag-alburotu umaamo
Sa init ng mga pinagdudududura ko, Pwe!
Kung sino pang magagaling
Sila pa'ng di napapansin
Kung sino pang walang dating, ah!
Sila pa tong nagniningning
Eto'y pagandahan ng awit
Hindi palakasan ng kapit
Eto'y patalasan ng lapis
Hindi paangasan ng gamit
Kung gusto mo na makasabit
Mag mag ambag wag ka puro kabig
Mag maglaglag wag ka puro dagit
At magdagdag ng may kwentang awit
Yung may kwentang awit