menu-iconlogo
logo

Rico J. Puno Medley

logo
เนื้อเพลง
Huwag damdamin ang kasawian

May bukas pa sa iyong buhay

Sisikat din ang iyong araw

Ang landas mo ay mag iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyan

Mayroong ligaya at lumbay

Maghintay at may nakalaang bukas

Oh kay sarap na mabuhay

sa daigdigan

Lalo na't kung kapiling ang

mahal sa buhay

Nang madama, ang ligaya

sa gabi't araw

Nalimot mong ang lahat ay

mayro'ng hangganan

Ngunit ngayon

naramdaman ang kalungkutan

Ay noon mo naalala

ang Maykapal

Ang tao'y marupok,

kay daling lumimot

Sa Diyos na ang lahat

Siya ang nagdulot.

Bakit ba ganyan

Ang buhay ng tao

Mayro'ng mayaman

May api sa mundo

Kapalaran kung hanapin

'Di matagpuan

At kung minsa'y lumalapit

Nang 'di mo alam

O bakit kaya

May ligaya't lumbay

Sa pag ibig

May bigo't tagumpay...

'Di malaman 'di maisip

Kung anong kapalaran

Sa akin ay naghihintay.

Kaya pilitin mong ika'y

magbago

Habang may panahon ika'y

magbago

Pagmamahal sa kapwa ay

isipin mo

Kaya pilitin mong ika'y

magbago

Habang may panahon ika'y

magbago

Pagmamahal sa kapwa ay

isipin mo