menu-iconlogo
huatong
huatong
team-sekaisevenjcloraine-dito-ka-lang-rap-cover-image

Dito Ka Lang "Rap"

Team Sekai/SevenJC/Lorainehuatong
admaiora2huatong
เนื้อเพลง
บันทึก
Ika'y dumating na parang ihip ng hangin

Ako'y nakahinga dahil sa'yo

Tadhana may di natin pwedeng alamin

Liliwanag ang daan tungo sa'yo

Dito ka lang sa puso ko

Kung ito'y pag-ibig nga, takot ay di nadama

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Kung dito ka lang

'Di mapigilan ang lungkot na nadarama

Para bang dahong ligaw sa hangin

At nung dumating ka, parang magandang panaginip

Kasama ka sa buwan tuwing gabi

Dito ka lang sa puso ko

Kung ito'y pag-ibig nga, takot ay di nadama

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Kung dito ka lang

Buong lakas ko, ibibigay ko kahit masaktan pa

Handang patunayan ng aking pag-ibig

Sa puso mahal ika'y nag-iisa

Salamat nandito ka sa 'king tabi

Sa oras na 'di ako mapakali

Ika'y pampatulog sa aking gabi

At panatag ako sa 'yong mga ngiti

Sa tuwing nakikita kita

Ay alam mo bang lahat ng bagay gumagaan

Ano mang problema pagkasama ka

Lahat ng yan ay aking pinapalagan

Pagsubok lahat na nang suliranin

Ikaw ang tapang kaya't haharapin

Gaano kahirap yan titiisin

Basta nandiyan ka lahat ay sasalagin

Ikaw yung, laman ng aking damdamin na kasentro

Pagmamahalan kay tamis para bang ehemplo

Pag-iibigan nanamnamin, ikaw kasalo

Tayo lang mahal hanggang dulo yan sigurado

Alam ko naman yun, puso nating dalawa ay yayabong

Kahit pasalunga't at pasalubong

Wala sa plano natin ang uurong

Alam kong, marami man ang humahadlang

Basta nandito ka lang ay ayos lang

Sasamahan kahit mang kung san

Mga yapak mo ay susundan

Pag nalulumbay, nandyan ka palagi at nakabantay

Sa'yo lang umiikot, nabubuhay

Kontento na ako sa'yo, mahal habang buhay

Dito ka lang sa puso ko

Kung ito'y pag-ibig na

Takot ay di nadama

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Dito ka lang sa puso ko

Kung ito'y pag-ibig na

Takot ay di nadama

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Kung dito ka lang

เพิ่มเติมจาก Team Sekai/SevenJC/Loraine

ดูทั้งหมดlogo

อาจถูกใจคุณ