Sa buhay ko'y labis ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig mandi'y wala nang langit
At nang lumigaya hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta ang aking pag- asa
Dahil sa iyo nais kong mabuhay
Dahil sa iyo hanggang mamatay
Dapat mong tantuin wala nang ibang giliw
Puso ko'y tanungin ikaw at ikaw rin
Dahil sa iyo
Dahil sa iyo ako'y lumigaya
Dahil sa iyo
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako ay alipinin mo
Ang lahat ng ito'y dahil sa iyo
Dahil sa iyo
Dahil sa iyo
Dahil sa iyo ako'y lumigaya
Dahil sa iyo
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y dahil sa iyo