Ah, ah
Ah, ah, ah-ah
Nasanay nga ba na wala ka na?
Ginagawa ko lang tingin kong makakasaya
Ayoko din naman pilitin ka, sisihin pa 'ko sa huli
Iyong pagtawanan, sa halip na mahagkan
Parehas nasaktan tayong dalawa, dahil sa pangako
Kaya nagkasakitan ay walang nagpapasakop
Kaya mas mabuti nang ilang kilometro ang layo
Kaysa nandito ka pero 'yung isip mo, malayo
'Di naman palagi na gan'to
Alam ko sa sarili, tanggap ko
Wala nang hahatid at susundo
Kahit na kailangan
'Di naman palagi na gan'to
Alam ko sa sarili, tanggap ko
Wala nang hahatid at susundo
Kasi 'di na kailangan
Ano'ng magagawa ng yosi, alak, doobie?
Kung sa huli, wala na ring tatawa, manunungit, magagalit
Magsasabi na hindi na mauulit ang mga mali
Wala na ring palaging magso-sorry
Iintindi, yayakap, sasalo 'pag napahamak
Mabagok man ay palagi mo namang aalagaan
Ganyan ka sa 'kin, ang sarap isipin ng hangganan
Kaso nga lang ang pintuan, sinara na lang biglaan
Sa pagdilim ng aking araw
Buwan ang nangibabaw
At 'di na kita muling nakita pa
Akala ko ay alaala ka na
'Di ko matandaan
Kung kailan ang huli, simula, at nasaan
Kung babalik muli, sa paanong paraan? Kasi
'Di naman palagi na gan'to
Alam ko sa sarili, tanggap ko
Wala nang hahatid at susundo
Kahit na kailangan
Wala naman na nag-iba (bukod sa umalis ka na)
Pinilit lang ba mag-isa? (Kasi mas do'n ka sasaya)
Pinag-isipan magpasiya (kahit walang mapapala)
Kasi 'di na kailangan
'Tsaka lang magsisisi 'pag wala ka na
Alam ko sa sarili ay hindi ko kaya na
Mawalay ka sa akin, sana ay maunawaan
Kailangan ko itong gawin, sarili'y tutulungan ko
Na makamit ko ang mga pangarap
'Di ako 'yung perlas kay tagal mong hinahanap
Mga pangako ay binulong na lang sa ulap
"Hayaan mo na lang ako" ang aking pakiusap kasi
'Di naman dapat ginagan'to
Alam ko sa sarili, tanggap ko
Wala nang hahatid at susundo
Kahit na kailangan
Alam ko na mayro'ng iba ('pagkat sa 'yo, nagsawa na)
Sa 'yo na nagpapasaya (wala sa 'yo ang hanap kong saya)
'Wag ka na ngang magpaliwanag pa
Kasi 'di na kailangan
Ano'ng magagawa ng yosi, alak, doobie
Eh, walang makakatalo sa tamis ng iyong labi?
Hanap-hanap lagi-lagi, naaalala 'pag gabi
Gusto man paalisin ngunit dito na namalagi
Malungkot ang mga ulap
Nasanay na akong kausap ka
At malalim pa ang mga sugat
Oras lang ba ang lulunas sa puso kong mahina?
Ilang taon na pero para bang kanina lang
Gumuho lahat, natabunan mga naipon at hindi na nakita na
Dulot sa mga nangyari, nagkulang nang labis
Hanggang sa pasensiya ay maubos na, maubos na
Mga sakit na binigay sa isa't isa
Bagay na 'di ginusto, ngayon, natuto na
Ang suwerte ng sunod kasi mas alam mo na
Ang malas ko kasi ako sa 'yo ang nauna
Sana ayos ka
Sana ayos ka
Sana ayos ka
Sana ayos ka
'Di naman palagi na gan'to
Alam ko sa sarili, tanggap ko
Wala nang hahatid at susundo
Kahit na kailangan
Wala naman na nag-iba (bukod sa umalis ka na)
Pinilit lang ba mag-isa? (Kasi mas do'n ka sasaya)
Pinag-isipan magpasiya (kahit walang mapapala)
Kasi 'di na kailangan
Araw at buwan (uh), taon ang binilang
'Di pinakitang mahina, naging mabisa'ng mga sinabi mo sa 'kin
Pero mali bang mainis, masaktan 'pag nakita kitang masaya sa iba?
Walang magawa kundi pumikit habang naghahanap ako ng paraan
Kasi wala no'ng nalaman ko na, pa'no na ba'y nilaban ko sa 'ting dalawa?
Pinipilit balikan, mga dati pang mga bangayan
At sinuring mabuti 'yung galing sa labing nagsabing "Pangako, mahal kita"
Napako na lang din sa dulo, subalit alam ko nang
Nasanay na akong wala ka na