menu-iconlogo
huatong
huatong
bigshockdjen-cee-binalewala-pt-2-cover-image

Binalewala, Pt. 2

Bigshockd/Jen Ceehuatong
pedwarshuatong
Şarkı Sözleri
Kayıtlar
Kumusta ka na?

Alam kong masaya ka na kung nasa'n ka ngayon

Naalala kita at lahat ng mga pinagsamahan natin no'n

At mga masasayang alaala

At 'yung lagi kitang kasama

Kaya't humihiling ako kay Bathala

Na sana ay hindi ka na luluha pa

Na sana ay hindi ka na mag-iisa

Na sana lang

Ingatan ka niya

Kumusta ka?

Alam kong masaya ka na sa piling niya

Hanggang nagayo'y hindi pa 'ko nakakalimot sa'ting mga alaala

Na tila ako ay nakatali pa

Hindi ko magawang lumaban dahil nanghihina pa ako

Sa mga sugat at hapdi na aking natamo

Nang ipinaglaban ka, halos binuhos ng buo

Dahil akala ko ay akin ka, akala ko'y mahal mo pa

Akala ko'y kasama ka na lumalaban, 'di pala

Kaya ngayo'y iniwanan mong mag-isa

Hinayaan kang umalis kahit nasasaktan na

Dahil alam kong 'di mo naman gagawin

Kung totoo ang pagmamahal mo sa'kin nang nilisan mo ako

Paano na ngayon hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

'Di ko maitatanggi na may nararamdaman pa

Akong pagmamahal kahit iniwan mo ako

Dasal ko lang sana'y ingatan ka at magtagal kayo

Kaya't humihiling ako kay Bathala

Na sana ay hindi ka na luluha pa

Na sana ay hindi ka na mag-iisa

Na sana lang

Ingatan ka niya

Halos gabi-gabi akong nag-iisip

Kung nagkulang ba ako at may nagawang masakit

Para iwan mo at ipagpalit mo sa iba

Ang katulad ko, 'di ka nakuntento sa isa

Ba't nagkagan'to ang ibigin ka parang maling pinagdaanan

'Di naman ako nanloko, ba't ako ang hinayaang

Masaktan at makaramdam ng labis na ganito

Ibinigay ko ang lahat pero niloko mo ako

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang makabangon

Sa mga nangyari nang alaala ng kahapon

Masakit pa rin sa akin mula nang iniwan mo

Napaikot mo 'ko nang dahil sa katangahan ko

Pero ngayon ay pipilitin ko, sana ay makaya ko

Na kalimutan ka, kahit masakit sa puso ko

Pangakong 'di na 'ko manggugulo't maghahabol sa'yo

Malaya ka na sana't mahalin ka ng pinili mo

Kaya't humihiling ako kay Bathala

Na sana ay hindi ka na luluha pa

Na sana ay hindi ka na mag-iisa

Na sana lang

Ingatan ka niya

Binalewala mo 'ko nang gano'n na lang

Nawalan na ng saysay ang pagmamahal

Na kay tagal ko ring binubuo

Na kay tagal ko ring hindi sinuko

Binalewala mo 'ko at sinaktan mo

At sinaktan mo

Kaya't humihiling ako kay Bathala

Na sana ay hindi ka na luluha pa

Na sana ay hindi ka na mag-iisa

Na sana lang

Ingatan ka niya

Bigshockd/Jen Cee'dan Daha Fazlası

Tümünü Görlogo

Beğenebilirsin