Ang puso ko ngayon
Ay lihim na nagmamahal
Sa isang taong
Noon ko lang natagpuan
Aking nadama
Ang tunay na kaligayahan
Nang siyaý mangusap
Sa gitna ng halamanan
Kahit na hindi ko
Man lamang nakikita
Ang kanyang mukha
Sa wari ko ay maganda
Ako ay nabihag
Sa tinig nyang may panghalina
Kaya't ako ay
Lumisan na kapagdaka
Yan nga kaya ang pag- ibig
Na sa puso koý dumalaw
Buhat nooý alinlangan
At di mapalagay
Nguni't ang di ko malaman
Kung may pagmamahal
Ang taong aking nakita
Kahit minsan lamang
Kung akoý mag- aasawa
Ganda ng puso ang ibig ko
At akoý handa sa hirap
Maging tuyo man ang ulam ko
Ibig koý mapagpatawad
Sa oras na mali ako
Diko ibig ang selosong
Gabi at araw nanggugulo
Ang ibig ko sa lalaki
Ay laging mapagmahal
Ayaw ko sa barumbado
Na agad nambubuntal
Ibig ko ay karinyoso
At laging romantiko
Kung kaya mo itong idulot
Ikaw na irog ang nais ko
Kung akoý magaasawa
Ikaw na giliw ang ibig ko
Na maging kabiyak ng puso
Sa bawat araw ng buhay ko
Sa gayong anong ligaya
Ang daranasin sa piling mo
Kung itong pagaasawaý
Maging mapalad dahil sa iyo
Nang pista sa nayon
Nagsayaw ka hirang
Napakagandang pagmasdan
Ang maliliit mong hakbang
At ang tatlong basong
May taglay na ilaw
Ay tinimbang mong lahat
Sa ulo't sa mga kamay
Ngunit 'di mo alam
Na minamasdan kita
At nabihag mo ako
Sa iyong pandanggong kay sigla
At magbuhat noon
Ay inaalala ka
Dahil sa walang lakas
Ang puso kong limutin ka
Sa pandanggo mo'y
Hanga ang lahat
Tangan mong mga ilawan
Ni isa'y walang lumagpak
Puso kong ito
Nais ko liyag
Ay ingatan mo na rin
Pagka't ikaw ang may hawak
Kataka- takang mahibang
Ang katulad ko sa iyo
Biro- biro ang simula
Ang wakas pala ay ito
Aayaw- ayaw pa ako
Ngunit 'yan ay 'di totoo
Dahil sa iyo
Puso kong ito'y nabihag mo
Alaala ka lagi gabi't araw
Alipinin mo'y
Walang kailangan
Marinig ko lang
Sa labi mo hirang
Na ako'y iibigin
Lagi habang buhay
Kung ang sinta'y ulilahin
Sino pa kaya'ng tatawagin
Kung hindi ang tunay mong giliw
Naku kay layo sa piling
Malayo man malapit din
Pilit ko ring mararating
'Wag lamang masabi mong
Di kita ginigiliw
Ginigiliw kitang tunay
Alaala gabi't araw
Pag di ka natatanaw
Puso ko nalulumbay
Sinisinta kita di ka kumikibo
Akala mo yata ako'y nagbibiro
Saksi ko ang langit
Sampu ng kanduro
Kundi kita mahal
Puputok ang puso
Sinisinta kita
Di ka kumikibo
Akala mo yata ako'y nagbibiro
Saksi ko ang langit
Sampu ng kanduro
Kundi kita mahal
Puputok ang puso