menu-iconlogo
huatong
huatong
cesca-dahlia-cover-image

Dahlia

Cescahuatong
hitekhitekhuatong
Şarkı Sözleri
Kayıtlar
Kay ganda ng iyong ngiti

'Yan ang sabi niya sa 'kin ng makilala ka niya

Nagsimula sa pabiro na bigla ring nagkatotoo

Wala akong magawa kundi ang manood

Na para bang pelikula na 'di ko inasahan

'Di naririnig ng bida aking mga banat

'Di rin nagtagal ng kayo'y nagkasiraan

Wala kang kasalanan

Oh Dahlia, daldalan na naman ang ganap

'Wag nang makinig sa sinasabi ng iba

Oh Dahlia

Oh pa'no malimot ang dating alaala?

'Di ko nakita ang iyong mga sugat

'Di man lang nakinig at nabingi

'Di naman daw totoo ang mga pinangako sa iyo

Kung 'di mo lang siya nakapiling

Ako nalang daw sana pipiliin

Oo minahal natin

Nabulok sa kanyang pag-ibig

Dalawa pala tayong pinaglaruan

Kaya naman tayo ay nagsisisihan

Wala kang kasalanan

Oh Dahlia, daldalan na naman ang ganap

'Wag nang makinig sa sinasabi ng iba

Oh Dahlia

Oh pa'no malimot ang dating alaala?

'Di ko nakita ang iyong mga sugat

'Di man lang nakinig at nabingi

'Sing ganda ng boses ko ang iyong mga mata

Kahit anong tingin niya sa akin, ikaw ang nakikita

'Sing tamis ng pagtingin mo ang aking pagkanta

Kahit anong tingin niya sa 'yo ay ako ang nakikita

O ang sakit, paumanhin na lang

Dahlia, 'di natin sinadyang masaktan

Tayo'y bata pa noon

At 'di natin alam ganito pala ang dinulot ng pag-ibig niya

Iwanan ang sakit at kalimutan natin siya

Cesca'dan Daha Fazlası

Tümünü Görlogo

Beğenebilirsin