UPLOAD BY;ABsadana_4ever
huwag mo sanang tuksuhing
ibigin pa kitang muli
sapagkat ito ngayon
sa mata ng tao'y mali
mayron nang isang kaluluwang
kapwa nating masasawi
liligaya ka pa ba
kung may pusong humihikbi
di na maibabalik
ang kahapong sakdal-tamis
may namamagitan nang
isang pusong mahahapis
kung iwasan man kita
sa aki'y di mo maiaalis
di na baling ako na
ang magdanas ng hinagpis
huwag mo akong tingnan
na para bang luluha ka
at halos nagmamakaawa ang iyong mata
huwag kang lumapit
at baka matuklasan mo pa
na kahit mayron kang
iba'y mahal parin kita
minahal kita noon,
wala ng kasing tapat
kahit ang ating mundo
walang 'sing layo ang agwat
at hindi ko pinansin
ang payo sakin ng lahat
pinaluha mo ako
ito ba sayo'y di pa sapat?
huwag mo akong tingnan
na para bang luluha ka
at halos nagmamakaawa ang iyong mata
huwag kang lumapit
at baka matuklasan mo pa
na kahit mayron kang
iba'y mahal parin kita
huwag mo akong tingnan
na para bang luluha ka
at halos nagmamakaawa ang iyong mata
huwag kang lumapit
at baka matuklasan mo pa
na kahit mayron kang
iba'y mahal parin kita
huwag mo akong tingnan
na para bang luluha ka
at halos nagmamakaawa ang iyong mata
tnx for singing........
ABsadana_4ever.............