Ilang ulit mo nang itinatanong sa 'kin
Kung hanggang saan?
Hanggang saan, hanggang kailan?
Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal?
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa 'king daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita'y iniibig
Giliw, 'wag mo sanang isipin, ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Hanggang ang diwa ko'y tanging sa 'yo lamang
Mamahalin kailanman
Hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang-hanggan
Tanging ikaw lamang
Hanggang may himig pa akong naririnig (hmm)
Dito sa 'ting daigdig (dito sa 'king daigdig)
Hanggang may musika akong tinataglay
Ika'y iniibig
Giliw, 'wag mo sanang isipin, ikaw ay aking lilisanin (lilisanin ka)
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling ('di magagawa, giliw)
At nais kong malaman mo (nais kong malaman mo) kung ga'no kita kamahal
Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay lagi nang ikaw
Hanggang saan, hanggang kailan?
Hanggang kailan kita mahal?
Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal
Whoa-whoa (whoa-oh-oh-oh-oh)
Ooh (oh-oh-oh)
Hanggang saan? (Hanggang saan?)
Hanggang kailan?
Giliw, 'wag mo sanang isipin, ikaw ay aking lilisanin (ika'y lilisanin)
'Di ko magagawang ('di ko magagawang) lumayo sa 'yong piling
Hanggang may pag-ibig, laging isisigaw
Tanging ikaw
Hanggang may pag-ibig (laging isisigaw)
Tanging ikaw
Ah-ah-ah-ah-ah, ah-ah-ah-ah-ah