menu-iconlogo
logo

Kailanman

logo
Şarkı Sözleri
Magmula nang tayo'y magkalayo

Ang puso'y umiibig pa rin

Nalulumbay sa tuwing

naaalala ang lumipas natin

Ang mga mata ko'y laging may luha

Hindi kaya mayroon ka nang iba

Sabihin mo na ako

Ako pa rin ang iniibig mo

Kailanman ikaw lamang ang aking mahal

Kailanman ang tangi kong 'pinagdarasal

Minsan pa sana'y mayakap ka

Patutunayan na mahal kita

Kahit na saan ka man naroroon

Nais ko na iyong malaman

Hinding hindi kita

magagawa na aking kalimutan

Ang lahat sa ating munting nagdaan

Ay turing kong tanging kayamanan

Wala nang hihigit

pa sa ating ginintuang pag ibig

Kailanman ikaw lamang ang aking mahal

Kailanman ang tangi kong 'pinagdarasal

Minsan pa sana'y mayakap ka

Patutunayan na mahal kita

Kailanman ikaw lamang ang aking mahal

Kailanman ang tangi kong 'pinagdarasal

Minsan pa sana'y mayakap ka

Patutunayan na mahal kita

Kailanman ikaw lamang ang aking mahal

Kailanman ang tangi kong 'pinagdarasal

Minsan pa sana'y mayakap ka

Patutunayan na mahal kita