Sa bawat pintig
ng puso ay dama ko na
Bahagi ka ng buhay ko
Kahit na itago pa
kahit na ilihim pa
Kita ko sa'yong mata
Tayong dalawa ay iisa
Puso ang siyang nagsasabi
Na ika'y kahati
ng aking kalul'wa
Kahit pa hindi sabihin
Ay dama ng puso
na ikaw ay ako
Wagas na pag-ibig
ay 'di magbabago
Sa Pag-iisa
Madadama ko naro'n ka
sa isip ko'y kasama ka
'Di madaya ang puso
sa lukso ng aking dugo
Tunay na pagmamahal
ay hindi maglalaho
Puso Ang siyang nagsasabi
Na ika'y kahati
Ng aking kalul'wa
Kahit pa hindi sabihin
Ay dama ng puso
Na ikaw ay ako
Wagas na pag-ibig
ay 'di magbabago.....
Puso ang siyang nagsasabi
Na ika'y kahati
ng aking kalul'wa
Kahit pa hindi sabihin
Ay dama ng puso
na ikaw ay ako
Wagas na pag-ibig
ay 'di magbabago
Wagas na pag-ibig
ay 'di magbabago