Nung mga panahong magkasama tayo
Panay ang tanong mo'ng mahal mo ba ako
Ba't nag aalinlangan pa ang puso mo
Hindi pa ba ako sapat sayo
Binalot ng lungkot ang mundo
At bumuhos ang ulan sa'king mga mata
Ulan ng kahapon ang iniwan sa'kin
Ang kahapon na sana ika'y kapiling
Ulan ng kahapong puno ng sakit
Iniwan lamang sa isang idlip
Ulan ng kahapon
Huhhh
Darating din ang bagong umaga
Ang bagong umaga sa isip ay wala kana
Ulan ng kahapo'y maghihilom na
At bakas ng sakit ay lilisan na
Binalot ng lungkot ang mundo
At bumuhos ang ulan sa aking mga mata
Ulan ng kahapon ang iniwan sa'kin
Ang kahapon na sana ika'y kapiling
Ulan ng kahapong puno ng sakit
Iniwan lamang sa isang idlip
Ulan ng kahapon
Ohhhhh
Nabubura na ang mga alaala
At ito'ng bagong panimula
Ulan ng kahapon ang iniwan sa'kin
Ang kahapon na nagbigay lakas sa akin
Ulan ng kahapong wala nang sakit
May guhit na ng ngiti sa mga labi
Ulan ng kahapon
Ohhhhhhh